Nagsimula kay LUNES
Sumunod si MARTES
Dumaan si MIYERKULES
Ngayon ay HUWEBES
Ang bilis ng araw
Tila nakikipaghabulan
Animo’y kahapon lamang
Nang naganap ang putukan
Ngayo’y nangangalahati na ulit
Ang bagong buwan
Malapit na tuloy sumapit
Ang aking kaarawan
Anong bago kaya
Ang hatid nitong taon
Ayoko munang isipin
Dahil nakakaburyong
Hahayaan na lamang
Na sumabay sa alon
Kung saan mapadpad
Saka na lamang tutugon
Sasabay sa awit
At sasayaw sa tugtog
Subalit kakayod pa rin
Para pangrap ay maabot
At sa katuparan nito’y
Isang pagdiriwang
Kasama ang pamilya
At mga kaibigan
Lahat ng kabahagi
Ay pasasalamatan
Gagawa ng listahan
Upang walang makalimutan
Humahaba na yata
Ang Huwebes na ito
Kelangan ko nang tapusin
Ang tulang ito
At bumalik sa aking
Naghihintay na trabaho
Dahil bukas ay BIYERNES
At kasunod ay SABADO
Ibig sabihin lamang
Natapos na naman
Ang isang LINGGO
Category Archives: Poems
Text Message
A usual night working in office
A Tuesday that seems an ordinary drill
Striking the keyboard and staring at the screen
Real simple office night without special something
Then suddenly a moment came, that I didn’t expect
Heard a tone from my phone and so I checked it
No name registered, just a number on the screen
Curious to know the message, so I open
I read 2 words on the screen and it’s very evident
I know now who the sender, but I tried to play a trick
I asked for the name just to spice it up
And a reply came asking for a guess or wild shot
When I texted the name I used to call her
Then it started our conversation and my night has brighten
It was an unexpected smile on an ordinary night
Never knew an ordinary Tuesday will have a special delight
I really missed talking to her with our laughing banter
And that one text message brought back our memories together
We ended our conversation after many exchanges
We bid goodbye, with our happy faces
We can never really, forget each other
Because of the common day, we are sharing each year
Antok
Antok antok antok, ako’y iyong layuan
Medyo matagal pa ang aming uwian
Bakit ang aga mo kasing dumalaw
Wala ka bang magawa’t ako ay binubulahaw
Iba na lang kasi ang kulitin mo
Pakiusap naman wag na ako
Kelangan kong tapusin ang aking trabaho
Kundi malalagot ako sa aking amo
Ano aalis ka na ba o mananatili pa
Baka gusto mong mapatawan nang matinding parusa
Lagot ka sa pag-idlip ko tiyak mawawala ka
Makakabawi ng enerhiya tapos kang antok ka
Karapatang Makapaglaro
Oh anong ligaya na tayo’y makakita
Mga batang nagtatakbuhan, duon sa may plasa
Animo’y walang pagod, sa kakalaro
Inaabot na nang gabi, sa pakikihalubilo
Ngunit hindi lahat ng bata, ay may pagkakataon
Na makipaglaro sa kapwa bata, sa lahat ng panahon
Dahil sa kahirapang dinadanas, ng mga Pilipino
Maraming bata ang sadlak, sa pagbabanat ng buto
Mga batang wala pang muwang, ay nagtatrabaho na
Upang makatulong sa kanilang pamilya
Imbes na sa palaruan ang kanilang puntahan
Sa bukid o bundok ng basura sila matatagpuan
Ano kayang naglalaro sa kanilang isipan
Tuwing makakakita sila ng mga batang, nagtatakbuhan
Panibugho o galit, dahil sa kanilang kalagayan
Na ni minsa’y di man lang, nakahawak nang laruan
Imbes na robot at manika ang kanilang libangan
Kariton at basura, ang kanilang tangan-tangan
Dahil sa karukhaan na kanilang kinasadlakan
Wala silang magawa kundi magtiis na lamang
Ngunit ako’y umaasa na darating rin
Ang panahong mga batang ito’y maglalaro din
Hahawak ng laruan, at sa plasa’y magtatakbuhan
Uuwi nang bahay, na puno ng kasiyahan
Pangarap na laruan ay kanilang makukuha
Maraming oras sa paglalaro, ang matatamasa
Karapatang makapaglaro sana’y maisakatuparan
Sa tanong na kung kelan, basta kumapit ka lamang
————————————————————————————————————–
Ang tula na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 2011
Huling Pisi
Isang pagtitipong puno ng kasiyahan ramdam ang tuwa ng mga batang nagiindakan. Kislap sa mata ay banaag sa nagdiriwang. Isang pagkakataon ng masayang pagtitipon nang mga kaibigan at katropang sapol. Sa muling pagkikita hatid ay ligaya masayang okasyon ng muling pagsasama.
Subalit di inakala na siya rin ang araw na ang nananahik na damdamin ay biglang mapupukaw. Animo’y bulkang natutulog na biglang nagising at pagdaka’y napuno ng bagang dahilan ng pagsabog na maigting.
Dagundong ng kulog na ako lang ang nakakarinig. Maingay ng langsanga’y nagmistulang tahimik. Biglang naalala ang linya ng kanta, na ang salitang may apat na letra ay lintik kung tumama nga pala.
Sa pagtahak sa daan patungo sa tahanan, animo’y alimpuyo ng malamig na hangin ang sa akin ay humampas. Binalot ng lamig ang buong katawan sabay daloy nang tubig mula sa durungawan ng kaluluwa.
Di mapigilan ang pagpatak ng ulan, sinasabayan pa nang makabagbag damdaming musika. Minamasdan ang mga taong nagbababa’t sakay, sabay tanaw sa kawalang kay dilim ng kulay. Kaisipan ay naglalakbay pabalik sa nakaraan, walang paliwanag sa nangyayari sa kasalukuyan. Sa pag-iisang naranasan sambit ng panalangin na lamang ang kinapitan.
Sa pagpasok sa silid ibinagsak ang katawan, pagod na isipan gusto nang katahimikan. Taimtim na dalangin muling inusal laman ay panaghoy sa hilahil na dinanas. Sa gabing iyon ay napagtanto kailangan nang palayain ang puso. Kailangan nang bumitaw sa pinanghahawakan dahil NAPIGTAL na ang PISING KINAKAPITAN.
