Ibalik ang Quiz Shows sa Philippine TV

Kagabi, pagkatapos ng mahigit isang buwan na pagbabaksyon ay muling nagbalik ang isa sa pinakasikat, pinakaexciting at pinakamasayang palaro sa twitter, at ito’y walang iba kundi ang #QUIZtion. Sa pangunguna ng Game MasterShowman (ay si Kuya Germs pala yun hehe) Game Master lang pala, na si HecklerForever ay muling nabuhay at nagsaya ang mga #QUIZtionatics. At patunay nito ay ang maagang pagtetrend nito sa Philippines sa pwestong #2m ilang minuto pa lamang nang ito ay magsimula. Kung linggo nga ito ginanap malamang tinalo pa nito ang Gandang Gabi Vice. hahaha

from Heckler at Large

Dahil nga na-miss ito ng twitter world hataw ang tweeple sa pagsagot sa mga tanong na hindi naman gaano kahirapan (haha yabang). Dito makikita na patok talaga sa ating mga Pilipino ang mga trivia games. Ang iba ay seryoso sa pagsagot at gumagamit pa ng google makasagot lang (guilty yata ako haha) at ang iba naman ay halatang nangungulit lang dahil sa mga pasaway na sagot. At dahil matagal nawala ang #QUIZtion syempre nakapag-prepare ako at buti naman hindi pa pala nangangalawang dahil naka quota ako sa 5pts. At sobrang saya naman talaga pag naka-score ka dahil sa dami nang nakatutok sa laro, sobrang priviledged ka pag naitweet ang pangalan mo bilang isa sa mga naunang makasagot ng tama. Feeling ko nasa TV na rin ako sa dami nang makakabasa nang pangalan ko pag in-annouce ang mga winners. hehe

Dahil sa lakas nang hatak ng #QUIZtion bigla kong naalala ang mga sikat na Quiz Shows sa TV noon. Sino bang makakalimot sa mga sikat na sikat na quiz shows noon gaya ng Digital LG Quiz sa GMA7, ang classic na Battle of the Brains sa RPN9 at ang pinangarap kong salihan noon na GAME KNB ng ABS-CBN 2.

paulignatius.wordpress.com

Nasa elementary pa lang ako noong namayagpag ang Battle of the Brains at isa ito sa mga Saturday TV Habits ko. Ang saya kasi makisagot sa mga tanong ni David Celdran (na ngayon ay nasa ANC na) lalo na pag alam na alam ko ang sagot nakikipagunahan pa ko sa mga contestant kahit wala naman akong buzzer. hehe. Ang sarap sa feeling na alam mo yung sagot sa mga tanong kasi feeling matalino ako lalo na pag mali yung mga contestant tapos tama ako. hehe. Sobrang sikat talaga ng Battle of the Brains noon (syempre pati yung sponsor nila na Uniwide eh sikat na sikat noon) kaya nga pati ang isang gag show ay gumawa ng version nila, ang Battle of the Brainless ng Tropang Trumpo. Kung saan puro kalokohan lang naman ang mga sagot ng contestants. Hayyy nakakamiss talaga to sana maisipan ng isa sa 3 networks na ibalik ito.

Samantala sa pamamaalam ng Battle of the Brains ay ang pagbubukas ng GAME KNB sa ABS-CBN 2. Ito na siguro kung hindi man ang isa sa pinakasikat na game show na nasaksihan ko sa Philippine TV. Ito rin ang nagbigay daan para tawagin si Kris Aquino na queen of gameshows dahil sa kasikatang natamo ng show. Sino ba naman ang hindi nakisagot sa mga tanong lalo na sa final round. Ilang beses akong nagtext dito dahil gusto ko ngang makasali ngunit kahit isang beses di man lang ako nakontak di ko tuloy alam kung tama ba ang format ko sa pagtext, dahil sa dami nang text ko di man lang ako natawagan kahit isang beses para mag audition haha. Pero kahit na di ako nakasali nang live, nakontento na lang ako sa pakikisagot sa TV. Naging bonding moment din ng pamilya namen ito since primetime sya pinapalabas dati, nakatutok kame sa panonood habang naghahapunan. At ang hindi ko makakalimutan na 1 million question ay ang chemical compound na matatagpuan sa sili kaya ito maanghang na ang sagot ay CAPSAISIN. Di ko na nga lang matandaan ang name nung winner hehe. Dahil sa kasikatan nito ilang mga catchprases din ang sumikat kaya nang “May Tama Ka”, “Correct” (the Kris Aquino way), at “Sure KNB”. At sino ba ang hindi nakisayaw sa Papaya Dance na pinasikat naman ni Edu Manzano sa Pilipinas GAME KNB.

Nakakamiss talaga ang mga ganitong palabas sa TV. Bagamat andyan pa naman ang Who Wants to be a Millionare sa TV5 ay nakakamiss pa rin ang GAME KNB at Battle of the Brains. Sa napatunayang lakas ng #QUIZtion, senyales kaya ito na kelangan nang ibalik ng mga TV Stations ang mga Quiz Shows? Para sa akin OO, kayo ano sa tingin nyo? hehehe

———————————————————————————————————————

“Matatalino ang mga Pilipino kaya patok ang mga Quiz Show”