Saranggola

“Maligno, Maligno, ayan na yung maligno, magtago tayo, ayan na sya, magtago tayo dali” Mabilis na umakyat sa kanilang kwarto si Anne dahil sa narinig na sigaw. Dinatnan niya duon si Marco na nakaupo sa isang sulok at mistulang larawan ng isang batang takot na takot at nagtatalukbong pa ng kumot. “Magtago ka, may maligno…