Ang Pasko Noon

Tatlong araw na lang pasko na. Itong mga panahon na ito yung nakakatamad nang magtrabaho kasi halos lahat ay naka-vacation mode na. Pero dahil alipin lang ako ng isang korporasyon kailangan pumasok para naman may pera sa Bagong Taon. Ang masaya lang nito medyo relax ang mood kasi nakabakasyon na ang mga bossing, so walang masyadong pressure kaya petik petiks lang sa office. Kinig ng music, twitter, facebook at kung ano-ano pang aktibidad na animo’y wala ka sa opisina.

At ngayong araw na ito, dahil natapos ko naman agad mga trabaho ko, nag sound trip nlng ako. Hanap ng mga music sa youtube na pede mapakinggan hanggang uwian. Habang nakatutok sa youtube biglang kong naalala ang mga lumang kanta na pamasko. Bihira ko na kasi marinig yung mga kantang pumapaimbulog sa airwaves nung mga lumang panahon ng pasko eh (pero di pa ko super tanda ah hehe). Kakaiba kasi yung mga classic na kantang pamaskong eh at wala na yatang musikero ang nagpatuloy sa ganoong klaseng mga himig pamasko.

Dahil sa pagnanais ko na marinig yung mga lumang pamasko na aking kinalakihan, nagsearch ako youtube. At totoo ngang malalim ang baul ni youtube dahil sakto merong syang available na mga classic pinoy xmas carols, at eto ang ilan sa mga nakuha ko.

Masarap talga balikan yung mga nagdaang pasko. Lalo na nung mga bata pa tayo na walang alam kundi humingi nang regalo at aginaldo. Sa paglipas nang panahon, hindi man tayo kasing excited nang mga bata pag dumadating ang ganitong panahon pero kahit papano may mga “bata” parin sa bawat isa saten na nagsasabing Pasko na Naman panahon na naman para magbigayan. Hindi man sa mga materyal na bagay ngunit sa mga mumunting kilos na makapagbigay tayo nang saya at tuwa sa bawat isa, ay maituturing na bilang isang angkop na regalo sa kapwa naten tao.

Maligayang Pasko sa ating Lahat. Ipagpatuloy ang pagbibigay ngiti at pag-asa sa bawat isa, dahil walang katumbas ang isang ngiti sa pagpawi ng kalungkutan ng ating mga kababayan.

———————————————————————————————————————-