Huwebes

Nagsimula kay LUNES
Sumunod si MARTES
Dumaan si MIYERKULES
Ngayon ay HUWEBES
Ang bilis ng araw
Tila nakikipaghabulan
Animo’y kahapon lamang
Nang naganap ang putukan
Ngayo’y nangangalahati na ulit
Ang bagong buwan
Malapit na tuloy sumapit
Ang aking kaarawan
Anong bago kaya
Ang hatid nitong taon
Ayoko munang isipin
Dahil nakakaburyong
Hahayaan na lamang
Na sumabay sa alon
Kung saan mapadpad
Saka na lamang tutugon
Sasabay sa awit
At sasayaw sa tugtog
Subalit kakayod pa rin
Para pangrap ay maabot
At sa katuparan nito’y
Isang pagdiriwang
Kasama ang pamilya
At mga kaibigan
Lahat ng kabahagi
Ay pasasalamatan
Gagawa ng listahan
Upang walang makalimutan
Humahaba na yata
Ang Huwebes na ito
Kelangan ko nang tapusin
Ang tulang ito
At bumalik sa aking
Naghihintay na trabaho
Dahil bukas ay BIYERNES
At kasunod ay SABADO
Ibig sabihin lamang
Natapos na naman
Ang isang LINGGO

Fruits of Sentiments (Poem Collection Vol.3)

Another collection of Poem Migrated from my Friendster profile blog page.

Salamangkera

Sa’king tahimik na mundo
Nasanay mabuhay nang mag-isa
Bawat araw kinakaya nang walang inaasahang kasama
Sa iyong pagdating mundo ko’y nagising
Nagkaroon ng ingay at nagliwanag ang kulay
Ngayong natagpuan ka ligaya’y umaapaw
Tibok nang puso’y laging mabilis
Ngiti sa labi hindi maalis
Dahil ikaw ang kape ko
Na sa’kiy nagpapainit
Salamangkerang bumihag sa puso kong nananahimik.

———————————————————————-
Magkapiling Pa Rin

Nangagarap na muling makapiling ka
Nananabik na muling mayakap ka
Umaasang muling magkikita, at muling mahagkan ka
Ngunit ano mang mangyari
Di man tayo magkatabi
Sa’king puso ikaw mananatili
Laging tandaan ako’y nandito lamang
Sa puso ko lagi kang iingatan.

———————————————————————-
Adhika

Sa bawat araw na dumadaan
Pangarap ko’y ikaw
Marinig lamang ang boses mo
Oh anong ligaya ko
Ngiti sa labi ang iyong hatid
Nagpapatibok ng pusong umiibig
Di man tayo nagkikita lagi kang inaalala
Pinapangarap na muling ikaw ay makasama
Muling pagsasaluhan masayang tawanan
Magdadamayan kung may iyakan
Mahal kita at mahal mo ako
Sabayan natin ang ikot ng mundo

———————————————————————-
Malungkot na Puso

Tinamaan na naman ng biglang kalungkutan
Animo’y dinudurog ang pusong luhaan
Di maipaliwanag itong nararamdaman
Siguro’y nananabik lamang na ikay masilayan
Ngunit handang magtiis at handang maghintay
Lahat ay kakayanin pagkat ikay mahal
Hanggat sinisigaw ng puso koy ikaw
Patuloy na mamahalin kung iyong nanaisin
Kung dumating ang araw na hindi mo na kaya
At pagmamahal sa’kiy naglaho na
Iiyak na lang at tahimik na magluluksa
Tatanggapin ng maluwag nitong damdaming nagdurusa
Pagkat mahal kita, kaligayahan mo ang nais
Babaunin ko na lamang mga halik na kay tamis
Mga yakap na kay higpit at ngiting walang kaparis
Na minsang pinagsaluhan bunga ng ating pag-ibig

———————————————————————-
Tinig

Kalungkuta’y nanumbalik sa pusong nananabik
Nangangamba’t di mawari ang puso’y humihikbi
May luha nang pananabik at pangungulila
Nananalanging sana’y muli kang makita
Sanay mapawi itong kalungkutan
Sa mga tinig na malambing na nais mapakinggan
Animoy musika sa puso, nagbibigay kasiyahan
Tinig na aking mahal at patuloy na minamahal

Fruits of Sentiments (Poem Collection Vol.2 )

Another collection of Poems migrated from FS Blog page. Enjoy!!!

Hinagpis

Gusto kong umiyak
Ngunit wala nang luha
Pusong nasasaktan manhid na
At walang pakiramdam
Bakit ba ako nahulog
Sa matamis mong mga ngiti
Kung sakit nang damdamin lang nman ang sukli

—————————————————————–

Im With You

Hear me through my music
Feel me through the wind
When the sun is shining
That’s the time I’m smiling
When the day is raining
That’s the time I’m crying
I’m with every weather of the day
I’m with you everyday

—————————————————————–
Liwanag

Gabing puno ng usok
Nag-iisa sa sulok
Naglalakbay ang diwa habang tumatangis
Mga talang nakasilip sa bintana
Tila nag-aanyayang
Ngumiti ka naman at pahirin ang luha
Di natatapos ang mga bagay sa isang paalam
Buhay ay punong-puno ng pag-asa
Manalig ka lamang

—————————————————————–
You

Fiery angel who came without notice
The fruit that snow white ate
You are to my eye
Star that glitters
Lighting my every nights
A sweetest cake in my every dreams
A dagger in my heart
You made me bleeding

Fruits of Sentiments (Poem Collection Vol.1)

I recently visited my profile in Friendster, then realized I have my Blog Page there. Below are one of my Poem collections migrated from the FS Blog page.

Lord I’m Grateful

A grateful heart is all I have
For all the blessing that I have got
Your saving grace and merciful heart
Has given me a whole new life
Lord I’ll shout and praise your name
I’ll tell the world the works you’ve made
All the miracles that you have done
Clearly shown you’re mighty one
You are truly my God who lives
You’re my counsel in every feat
You are my beacon that shines so bright
Lord my bestfriend, savior of our lives
With every beat on my heart I will rejoice
I will sing praises with all my voice
Everyday I will thank you Lord
And forever you will be my joy
Lord I’m grateful
Lord I’m grateful
And forever I will love you Lord

——————————————————————–
Bago ka Lumisan

Sa iyong pag-alis
May nadaramang sakit
Pusong minsan nagliwanag
Nagayon nababalot na ng ulap
Nakakalungkot na ako’y iiwan na
Di mapigilan pagpatak ng luha
Damdaming sumisigaw ba’t di pagbigyan
Isang halik man lang bago ka lumisan
Bakit ba kailangan pang lumisan
Di ba maaring manatili na lamang
Sa’king tabi ika’y iingatan
Pag-ibig na alay ating pagsaluhan
Ngayong nag-iisa kasama ay gitara
Sa kwartong tahimik pinangarap kang makasama
Kung pinagbigyan lang sana
Abot langit ang ligaya

——————————————————————–
Bakit Ba

Nang una kang makita di ko inakala
Na ika’y lilisan at ako’y iiwan
Mga araw na pinagsamahan puno ng kasiyahan
Sana’y maulit kahit minsan man lang
Wala nang saysay ang buhay
Kung di ka kapiling
Walang humpay ang pagdurusa
Ngayong puso’y nag-iisa
Bakit ba kaylangan pang lumayo
Bakit ba kailangan pang iwanan
Bakit pa tayo pinagtagpo
Kung magkakalayo rin naman
Ngayong nag-iisa ay alaala ka
Masayang tawanan sa tuwing uwian
Sa jeep na sinasakyan di ko maiwasan
Na pangaraping katabi pari’y ikaw lamang

——————————————————————–
The Beat

Going to sleep with smile on my lips
Mirrored by the smile earlier seen
Sparkling eyes so enticing
Nice aura that is radiating
The earth is shaking and vibrating
Moment when one can say
“Im ready to get hurt again”
Why is this feeling always roam
Trying to test our heart and soul
It really feels good to know your inlove
But it also tends to get you hurt

——————————————————————–

Sigh

Am I really worthless or it’s just that no one wants to know my worth
Am I really valueless or it’s just that no one cared to see my value
Am I really senseless or it’s just that no one bothers to feel my sensibilities

They say life is unfair, and it is true. We cannot please everybody and we cannot have anything we desire, mostly we are presented with situations that will puzzle us and leave us depressed after not having to define its meaning. Why are there situations where we are demanded to be puzzled, can’t we just be faced with black or white, A or B. Why are there people who cannot tell you what they really mean but instead leaving you hanging and puzzling what they want to incur. It may be painful for one side, but what’s the use of words and language if we will not use it to communicate. Assumptions can be very misleading and instinct can be very dragging, so why not say it so the puzzle will be solved. It may be challenging to solve a puzzle and very fulfilling after we have solved it, but in life’s realities it is not applicable. We should not leave other people puzzling over a thing that end results and outcome are needed.

It may be depressing but life must continue, because despite its unfairness it remains good. Life offers far more than to remain depressed and lonely. If you cannot please them, then please yourself. That’s the best way to counter it, cause although you wasn’t able to get what you desired, pleasing yourself with what you love will erase all those depressing moments that resulted from the puzzling events you once had. Smile, smile, smile share a contagious smile. (Sigh)