Fruits of Sentiments (Poem Collection Vol.3)

Another collection of Poem Migrated from my Friendster profile blog page.

Salamangkera

Sa’king tahimik na mundo
Nasanay mabuhay nang mag-isa
Bawat araw kinakaya nang walang inaasahang kasama
Sa iyong pagdating mundo ko’y nagising
Nagkaroon ng ingay at nagliwanag ang kulay
Ngayong natagpuan ka ligaya’y umaapaw
Tibok nang puso’y laging mabilis
Ngiti sa labi hindi maalis
Dahil ikaw ang kape ko
Na sa’kiy nagpapainit
Salamangkerang bumihag sa puso kong nananahimik.

———————————————————————-
Magkapiling Pa Rin

Nangagarap na muling makapiling ka
Nananabik na muling mayakap ka
Umaasang muling magkikita, at muling mahagkan ka
Ngunit ano mang mangyari
Di man tayo magkatabi
Sa’king puso ikaw mananatili
Laging tandaan ako’y nandito lamang
Sa puso ko lagi kang iingatan.

———————————————————————-
Adhika

Sa bawat araw na dumadaan
Pangarap ko’y ikaw
Marinig lamang ang boses mo
Oh anong ligaya ko
Ngiti sa labi ang iyong hatid
Nagpapatibok ng pusong umiibig
Di man tayo nagkikita lagi kang inaalala
Pinapangarap na muling ikaw ay makasama
Muling pagsasaluhan masayang tawanan
Magdadamayan kung may iyakan
Mahal kita at mahal mo ako
Sabayan natin ang ikot ng mundo

———————————————————————-
Malungkot na Puso

Tinamaan na naman ng biglang kalungkutan
Animo’y dinudurog ang pusong luhaan
Di maipaliwanag itong nararamdaman
Siguro’y nananabik lamang na ikay masilayan
Ngunit handang magtiis at handang maghintay
Lahat ay kakayanin pagkat ikay mahal
Hanggat sinisigaw ng puso koy ikaw
Patuloy na mamahalin kung iyong nanaisin
Kung dumating ang araw na hindi mo na kaya
At pagmamahal sa’kiy naglaho na
Iiyak na lang at tahimik na magluluksa
Tatanggapin ng maluwag nitong damdaming nagdurusa
Pagkat mahal kita, kaligayahan mo ang nais
Babaunin ko na lamang mga halik na kay tamis
Mga yakap na kay higpit at ngiting walang kaparis
Na minsang pinagsaluhan bunga ng ating pag-ibig

———————————————————————-
Tinig

Kalungkuta’y nanumbalik sa pusong nananabik
Nangangamba’t di mawari ang puso’y humihikbi
May luha nang pananabik at pangungulila
Nananalanging sana’y muli kang makita
Sanay mapawi itong kalungkutan
Sa mga tinig na malambing na nais mapakinggan
Animoy musika sa puso, nagbibigay kasiyahan
Tinig na aking mahal at patuloy na minamahal

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s