Aba Ginoong Garci

Dahil sa muling paglutang ni dating Commission on Election (COMELEC) Supervisor Lintang Bedol at sa mga akusasyong binitiwan ni suspended Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan hinggil sa mga di umanoy dayaan noong 2007 election hindi maiiwasang mabanggit at hanapin ang dating COMELEC official Virgilio Garcillano na di umano’y isa sa mga utak sa naturang dayaan sa halalan.Si Garci ang itinuturong kinausap ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa isang wire-tapped audio recording kung saan pinagusapan ang planong pandaray.

Ilang beses na rin na nabalita ang di umanoy pakikipagugnayan ni Garci sa palasyo para magsiwalat ng mga umanoy anomalya sa eleksyon. Ngunit sa kanyang muling paglabas sa telebisyon ay tahasan nitong itinanggi muli ang mga akusasyon at sinabing wala syang kinalaman at malinis ang kanyang kunsesya.

At dahil sa muling paglutang na ito ni Garci at sa pakikipagkulitan sa twitter with one of my twitter friends na si @tianrhoy ay nabuo ang isang dasal para sa kanya at sa mga taong may kinalaman sa kanya. At narito nga ang Aba Ginoong Garci, ang panalangin ng mga sinungaling.

Aba Ginoong GARCI napupuno ka nang grasya
Ang BALOTA ay sumasaiyo
Bukod kang PINAGPALA sa lalaking lahat
At pinagpala ka naman ng iyong mga AMO

Madame GLORIA Ina ng Daya
Ipanalangin mo kayong MAKASALANAN
Ngayon at kung kayo’y MAMAMATAY
Amen

——————————————————————————————————————————————————-
“Ang Sinungaling ay Kakampi ng Magnanakaw” – Susan Roces

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s