Isang Magandang Sorpresa

Ang isang inaakala kong ordinaryong araw sa opisina ay naging isang araw na may magandang sorpresa. Unang araw iyon ng pagbabalik trabaho ko mula sa Christmas vacation. Masaya naman ang pagdiriwang namen ng pasko at bagong taon dahil nakasama ko ang aking pamilya at ang aking mga kaibigan. Maraming kainan at inuman kaya pati ang bahay pagkain at bahay alak ko ay natuwa rin (haha). Bago matapos ang taon na ito naisulat ko na naging napakaganda ng taong 2011 para sa akin. Subalit hindi ko inaakala na ang pagbubukas pala ng 2012 ay may hatid rin na magandang balita.

Isa sa mga magandang pangyayari sa aking 2011 ay ang aking pagsali sa Saranggola Blog Awards at nito ngang Disyembre ay mapalad ako na maka-attend sa awards night. Hindi man ako pinalad na masungkit ang isa sa mga SARANGGOLA, masaya na ko na nakasali sa unang pagkakataon at makilala ang mga tinitingalang ‘haligi’ sa mundo ng blogging. Bagama’t ipinagdasal ko na magkamit ng karangalan, ramdam ko na dahil first time kong sumali siguro hanggang finalist lang ako. So inasahan ko talaga na kahit mabanggit lang yung pangalan ko noong gabi na yun bilang finalist sobrang magsasaya na ako. Syempre awards nights yun eh (parang OSCARS diba) mabanggit lang yung pangalan mo na finalist ayus na yun (hehe). Kaso ang nangyari winners lang pala ang inaanounce dun, so olats talaga ako, pero sabi ko nga masaya pa rin ako dahil sa experience.

Subalit kahapon dumating ang isang sorpresa na nagpaganda nang pagbubukas ng bagong taon. Pagkatapos ko umupo sa aking workstation at buksan ang PC,diretcho agad ang browser sa emails at Facebook (hehe). Sakto pagkatapos ko mag-login bumungad agad ang notification ng U-Blog page c/o sir Bernard na may title na Saranggola Blog Awards: 2012 Saranggola Blog Awards Winners. Napaisip pa nga ako bakit 2012 eh diba 2011 yun (hehe) pero nung binuksan ko naman yung link 2011 naman pala yung nakalagay (nagkamali lang siguro si sir sa pagpost sa FB. hehe). Nung andun na ko sa site ng SBA tumambad na nga sa aking mata ang sorpresa, andun ang pangalan ko sa listahan ng mga Finalists (yahoooooo, napasigaw na lang ang isip ko). Buti na lang napigilan ko yung sarili ko na sumigaw ng totoo. haha. Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang 2 entries ko ay finalist pala. Nasabi ko na lang sa isip kong “sabi ko na nga ba ito yung ramdam ko nung awards night eh at tama pala ang pakiramdam ko, nadelayed lang siguro para lalo akong matuwa ng sobra”. Syempre sabi siguro ni God, ay alam nya na finalist sya walang thrill, mai-delay nga muna ang annoucement. hahaha. Galing mo talaga Lord, lagi mo akong ginaganyan sa mga surprises mo.

Ganito rin nung una pangalawa kong trabaho eh, ramdam ko na matatanggap ako after nang interview pero after 3 months tsaka pa ako tinawagan. Nawalan na rin ako ng pag-asa nuon eh kasi after nga nang interview alam ko talaga tanggap ako eh pero hindi agad ako tinawagan tapos after ilang buwan tatawagan din pala. At ngayon dito naman sa Saranggola awards, totoo nga talaga yung sinasabi nila na in-God’s time, at totoong mas masarap na makatanggap ng isang bagay sa panahong hindi mo inaasahan. Walang kasing saya sa pakiramdam na ang isang bagay na inasahan mo at mistulang walang nangyari ay mapupukaw pala at magpapasaya pa rin sa’yo sa bandang huli.

Lahat talaga ng bagay ay may tamang oras at tamang pagkakataon, kailangan lamang natin maniwala at magtiwala sa ating mga pangarap at naisin. Dahil kung ito talaga ang ukol ay walang ibang kahihinatnan kundi ang pagbukol (hmmm wag madumi ang isip, hahaha).

P.S. Isang malaking pasasalamat sa mga hurado ng SBA na nagbigay pansin sa aking munting nakayanan. Gagamitin ko itong inspirasyon para lalo pang pagbutihin ang aking mga susunod na akda. At para lalo pang masuportahan ang adbokasiya ng SBA na palaganapin ang paglilikha ng mga akdang Filipino.

———————————————————————————————————————-

Advertisements

10 thoughts on “Isang Magandang Sorpresa

  1. Tomoh.. ganyan si bro mahilig manupresa. Yung tipong lungkut lungkutan kana tapos biglang pasasayahin ka.

    Ganyan na ganyan yung moment ko nung pba unexpected haha..

    finalist din ako sa sba kaso walang thrill kasi blog sikat. Kailan kaya ako mapapasama sa major category? Lels.

    Btw, sabi nga nila mafinalist ka lang winner ka na. Bonus na lang grand prize ๐Ÿ™‚ God Blessed men. Reresbak tayo.! Haha

    Like

    • haha. oo nga tol, sabi ko nga nung gabing yun ok na ko basta mabanggit yung name ko as finalist, kaso wala palang banggitan nung gabi na yun. hahaha. oo nga ako rin eh finalist din sa blogsikat pareho tayo pang 3rd( hirap mangampanya) haha. oo resbak tayo ngayon SBA2012. hehehe.

      Like

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s