3 Taong gulang na si Nite Writer

Time really flies so fast, muntik ko nang makalimutan na ngayon pala ang 3rd birth anniversary ni Nite Writer. It was in January 16, 2009 nang siya ay isilang. Although I’ve been blogging since 2007 (sa Friendster blog pa yun, dun ako nagsimula), Nite Writer came into life in 2009. Una syang nanirahan sa Blogspot ngunit makaraan ng dalawang taong pamamalagi duon ay natagpuan nito ang kanyang permanenteng tahanan sa WordPress.

Nakakatuwang isipin na sa loob ng 3 taon ay naglalaman na sya ng siyamnapung iba’t-ibang kwento tungkol sa pulitika, mga tula, maikling kwento, photography at kung ano-ano pang bagay at kalokohan. Medyo dumami na rin ang nagbabasa sa kanya at medyo nakikilala na sya ng mga mambabasa.

Dahil nga kaarawan nya naisip ko ano kayang magandang gawin para sa kanyang kaarawan. Marami akong mga nababasa na pag birthday ng blog nila ay nagpapa-contest, so naisip ko, gawin ko rin kaya yun tutal formula din daw yun para tumaas ang readership. Kaso naisip ko rin marami nang gumagawa nun eh, magmumukha lang gaya-gaya puto maya si Nite Writer, tsaka wala pa rin naman akong pampremyo kaya wag na lang yun, baka sa 7th birthday nya pede na. hehe.

Kaya imbes na magpacontest naisip ko na…………wala na lang gawin. hahaha (kuripot). Wala rin naman akong maisip na ipapacontest eh, tapos sa laki ng budget ko baka candy lang ang maipapremyo kaya wag na lang muna. Pero di ako nagkukuripot ah, Frugal lang hahaha (palusot). Gusto ko kasi pag nagpacontest si Nite Writer yung medyo ok naman ang maibibigay nya na prizes, para naman walang masabi yung mga magtatangkang sumali hehe.

So dahil wala namang mangyayari, magpapasalamat nalang si Nite Writer sa lahat ng mga nakikibasa sa kanyang mga kwento at lathalain. Sa mga tao na napapadpad sa kanyang tahanan, Maraming Salamat, sana maghakot pa kayo ng mga bibisita. hehe. Sa mga tauhan, mga balita at mga pinagkunan ng balita, at sa mga larawan na naging bahagi ng kanyang 3 taon Maraming Maraming Salamat. Lahat kayo ay kabahagi na sa mga nagdaan at mga darating na taon ni Nite Writer.

———————————————————————————————————————-
“Ang kaarawan ay isang pagdiriwang upang pasalamatan ang NAKARAAN, KASALUKUYAN at ang HINAHARAP”

Advertisements

2 thoughts on “3 Taong gulang na si Nite Writer

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s