Pag-ibig sa Dayuhang Lupa

Nasanay na maglakbay sa mundo na mag-isa
Walang inaasahan kundi sariling mga paa
Sariling sikap at sariling kayod
Upang pamumuhay ay maitaguyod

Huwarang anak sa kanyang mga magulang
Maasahang kaagapay sa mga kapatid na ang iba’y wala pang muwang
Taga suporta sa kanilang pangangailangan
Takbuhan sa oras ng kagipitan

Sa kakulangan ng kinikita sa sariling bayan
Hindi na napigilan ang pakikipagsapalaran
Sa ibayong dagat siya’y namasukan
Kung saan ang sweldo’y sagana’t mas mainam

Hindi inaasahan na sa kanyang paglalakbay
Doon matatagpuan, magiging kabahagi ng buhay
Pusong matagal nang nag-iisa
Biglang tumibok at nagkaron ng bagong sigla

Sa una’y pinipilit na ito’y pigilan
Iniisip ang maari nitong kahinatnan
Handa na ba siyang muling umibig
O mananatili munang mag-isa hanggang pamilya’y di na gipit

Ilang beses iniwasan ang sigaw ng puso
Nagbingibingihan sa tinitibok nito
Sinubsob ang sarili sa tambak na trabaho
Upang makalimutan ang tawag ni kupido

Subalit bawat hakbang nila’y tila iisa
Animo’y isang kalye lamang at kanilang kilala
Sinadya mang lakbayin ay ibang kalsada
Ngunit sa dulo nito’y sila rin pala ang magkikita

Pareho ang istorya ng kanilang pangingibang bayan
Naglakbay sa dayuhang lupain upang pamilya’y matulungan
Iahon ang kanilang pamumuhay sa kahirapan
Kahit sariling kaligayan ay isakripisyo ng panandalian

Ngunit mahiwaga talaga ang pana ni kupido
Kahit gaano kalayo ang lalakbayin nito
Tawirin man ang dagat sa kabilang parte ng mundo
Masapul lang ang dalawang pusong nakatakdang magtagpo

Ilang buwan ng digahan at pagkakaibigan
Narating din nila ang mabulaklak na tagpuan
Doon ay sabay nilang nilakbay ang bukas
Bilang isang pusong may iisang hangarin para sa pamilya

Pag-uwi sa sariling bayan ay sinalubong ng galak
Mga pamilya nila’y tuwang-tuwa sa kanilang pusong nagkatapat
Pagbibigkis ng dalawa kanilang ipinagdiwang
Walang pagsidlan ng tuwa ang kanilang kasiyahan

Dalawang puso na naglakbay sa magkaibang daan
Nagtagpo sa ibang bayan at doon nagkaibigan
Umuwing mag-kaisa at magkadaupang palad
Pag-ibig ng dalawang bayaning busilak at wagas

Ang akdang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 4 sa Kategoryang Tula.

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s