Habibi-M

Sabi ni Julia Fordham “Love moves in mysterious ways”. Siguro nga totoo yun kasi sabi naman ni Randy Crawford “Love begins with one hello”. Pero para sa’kin “Love begins with one friend request bago pa man makapag-hello”. Kaya nga bago ang lahat, I would like to thank Mark Zuckerberg for your genius invention of the Facebook. Dahil sa facebook, I finally found someone who knocks me off my feet, I finally found the one who made me feel complete…teka teka puro kanta na yata to ah, ok continue.

Anyways, it really started at one Facebook friend request. Ang friend request na nagpabago sa ikot ng aming mundo (naks pang-teleserye). Magka-klase kami noon sa elementary, ngunit dahil pinalaki ako sa pangaral na dapat daw pahalagahan ang edukasyon, ay masyadong na-focus ang aking atensyon sa mga aralin lamang. Nagkakacrush din naman ako nun pero hindi ko sineseryoso dahil ang goal ko ay maipasa ang lahat ng mga subjects at maka-graduate. Naisip ko nga istorbo talaga ang pag-aaral sa lovelife no? (hahaha biro lang). Tatlong taon kaming magkaklase hanggang sa maka-graduate ngunit tila hindi pa nasemento ang daan para sa aming dalawa. Bagama’t konti lang kami sa klase noon at napakalaki ng chance na mapansin namin ang isa’t-isa ay hindi pa rin talaga nasapul ng pana ni kupido. Tila walang kahit anong sign na may mabubuong romansa. (nakanang romansa, saan ko napulot yun.hahaha)

Pagtuntong ng high school, mas lalong naging malabo ang daan dahil sa magkaibang school ang aming pinasukan. Siya sa pinakamalaking public high school sa aming bayan pumasok, samantalang ako naman ay sa isang private catholic school. (naks pa-saint.hahaha). Siguro at malamang, ay nagkakasabay kami noon sa jeep papasok at pauwi dahil nga bihira lang naman ang byahe sa’min nung panahon na yun, ngunit dahil nakatuon pa rin ang aking attention sa istorbong pag-aaral (haha may halong bitterness) ay nanatiling magkalayo ang aming mundo. Isa pa rin siguro sa naging dahilan ay may crush at nagugustuhan na rin naman ako noon doon sa aming school. Nakagraduate kami ng high school na walang nangyari, magkahiwalay pa rin ang mundo.

Pagkatapos ng high school ay tinungo ko na ang Maynila upang doon mag-college. Panibagong paligid at panibagong kultura ang aking hinarap. Bilang batang taga bukid, malaking pagbabago ang makisalamuha sa mga taong Maynila. Ngunit hindi naman naging masyadong mahirap ang pag-aadjust ko dahil nakatagpo din naman agad ako ng mga kaibigan sa college na pinasukan ko, pero ang lovelife parang coke, zero. Ilang mga crushes at mga paghanga ngunit dahil nga mas naging priority ang pag-aaral, hindi muna sineryoso ang lovelife. At sa panahong yun, totally ay nawalan na talaga kami ng contact sa isa’t-isa. Di ko na rin sya napagkikikita sa lugar namin dahil tuwing uuwi naman ako ng probinsya ay lagi lang din naman ako sa bahay at tamad lumabas.

Ok, fast forward na, masyado nang humahaba ang kwento. Sa madaling salita napakahabang panahon at daan ang aming nilakbay bago muling magtagpo. At ang social media pa pala specifically ang Facebook ang magiging daan para dito.

Isang friend request ang nagpaumpisa nang lahat. Nakakatuwa na sa tagal naming hindi nagkita at hindi nagkausap ay hindi ko inaasahan na sa Facebook ko pa pala siya ulit masisilayan. Syempre walang nang pagdadalawang isip ay inapprove ko agad ang friend request nya sabay message ng pagte-thank you at pangungumusta. Noon ko rin nalaman na nasa Dubai pala siya at duon nagtatrabaho.

Dahil nga matagal kaming hindi nagkausap ay paminsan minsan akong nakikibalita sa kanya sa pamamagitan ng pagmemessage at pagcocomment sa mga pictures nya sa Facebook. Syempre nagpapapansin na rin ako nun, pajoke-joke kahit korny pero tuwang-tuwa naman sya. Nag-umpisa sa pakonti-konti hanggang sa naging madalas ang aming interaction sa Facebook. Sinubukan ko na ring kunin ang roaming number nya para kahit hindi ako online ay makakausap ko sya. Nung una sabi nya wala daw syang roaming at thru skype, ym at Facebook lang sya nakikibalita sa kanyang pamilya dito sa Pinas. Syempre naniwala naman ako, kasi bakit naman siya magsisinungaling sa’kin eh sa tagal namin di nagkita at nagkausap wala naman siguro akong naging kasalanan sa kanya para itanggi niya ang pagbibigay ng celphone number. Sa patuloy na pangungulit ko, napaamin ko rin siya na may roaming number pala siya at hindi lang agad niya ito maibigay dahil nahihiya daw sya (aysus pakipot pa.hahaha). Patuloy ang aming communication sa facebook at sa text. Kwentuhan ng buhay-buhay sa ngayon at mga bagay-bagay noong mga elementary days namin. Sa ganitong paraan nagkahulugan ang aming mga damdamin (naks damdamin san na naman nanggaling yun.haha) hanggang sa ipagtapat ko na sa kanya ang aking nararamdaman.

Noong una, nag-aalangan siya dahil nga nasa Dubai siya at ako naman ay andito sa Pilipinas. Hindi daw yata niya kakayanin ang Long Distance Relationship. Natatakot siya na baka hindi ito magwork, dahil yung past nga niya na pareho silang andito sa Pinas ay nauwi rin sa wala pagkatapos ng maraming taon, ito pa kaya na milya-milya ang layo namin sa isat-isa. Naintindihan ko naman ang pag-aalinlangan niya, syempre ako rin mas gugustuhin ko na ang girlfriend ko ay malapit lang sa’kin para pwede kong dalawin kahit kelan, pede kong isama sa mga gimik at madali kong mapupuntahan kapag may problema or may kailangan. Pero syempre hindi ako sumuko at ipinagpatuloy ko ang pangungulit sa kanya. Tuloy tuloy lang ang pagmemessage at pakikipagkwentuhan sa kanya sa Facebook, ipinadama ko sa kanya na ang layo at pagitan namin ay nasa isip lamang, dahil kung tutuusin sa tulong ng Facebook at text ay parang magkalapit lang din naman kami. Kinuwento ko rin sa kanya yung ilang mga malapit kong kaibigan na naging successful ang relationship kahit nagstart sila sa long distance set-up.

Pagkalipas ng ilang buwan, mukhang natapos din ang pagsesemento ng aming daan at nagtagpo din ang aming landas. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng layo ng pagitan namin sa isat isa ay tila magkalapit lang kami nung mga oras na yun. Daig ko pa ang nanalo sa lotto ng mabasa ko yung pinakamahalagang message na yun sa facebook inbox ko. Dumagundong ang puso ko na parang tambol sa lakas at parang gusto kong sumigaw sa tuwa, ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mabulabog ang office. Hindi ko naman kasi inaasahan na pagkatapos ng mahabang taon na walang balita sa kanya at ang walang kasign-sign ng romansa noong elementary, ay magkakaron pala ng ibang kulay ang aming mundo dahil lamang  sa isang social networking site.

Pagkatapos namin maging opisyal na magkasintahan, hindi na lamang Facebook ang aming naging katuwang. Naging parte na rin ng aming buhay ang Skype at BBM. Bagamat matagal ko naman nang ginagamit ang skype para sa trabaho at pakikipagusap sa mga kaibigan, kakaibang tulong ang nagawa nito ngayon para sa’kin dahil pinaglalapit nito ang malayo naming pagitan. Kapag magkausap kami sa skype parang andyan lang sya palagi sa aking tabi, hindi ko man siya mahawakan, mayakap at mahalikan at least nakikita ko naman siya at nasisilayan.

Kung nung umpisa ay umaasa lamang kami sa text at umuubos ng load para lang makapagusap at makapagkwentuhan, naging mas mabilis at mas madali ang aming communication nang dumating si BBM. Dati na siyang naka Blackberry Phone at yun din ang naging dahilan para mag-BB phone din ako. Simula nang magkaBBM na rin ako, mas lalong naging mabilis ang aming communication sa isa’t-isa.  Isa pa nakatipid kami dahil hindi na kailangang bumili pa ng load para lamang makatext. Kahit oras-oras or minu-minuto kaming magBBM ok lang kaya feeling namin magkalapit lang talaga kami. Naiibsan kahit papano yung distansya sa pagitan namin dahil napakadalas namin magka-usap at magka-kwentuhan. At dahil nga sa paraan ng communication namin ay nabuo ng isa sa mga besfriend ko yung katagang Habibi-M. Dahil daw sa Habibi yung terms of endearment namin at BBM ang main communication line namin, binansagan niya kami ng Habibi-M.

Napakalaking bahagi talaga ang social media sa pagbuo ng aming relasyon. Dahil sa isang friend request sa Facebook, nag-umpisa ang isang love story na nagconnect sa aming kabataan. Dahil sa Skype at BBM napapanatili naming malapit ang milya-milyang distansya na sa ami’y pumapagitan sa kasalukuyan. At dahil pa rin sa social media, nagsisilbi itong tulay namin sa patuloy na paglalakbay at pagpaplano tungo sa aming kinabukasan.

“Social media has really become our bridge to connect our past to the present and continuing to bridge us towards our plans for our future.”

———————————————————————————————————————

This is my official entry to the PEBA 2012 Blog Entry Contest

If you liked the story, please vote for me Nite Writer. A poll widget is available on the sidebar of the PEBA website (please click here). Please tick on the #6. Thank you.

Advertisements

26 thoughts on “Habibi-M

  1. Dati parang napakahirap ng LDR at parang imposibleng mgwork. After reading your entry, lahat pala sa buhay ngayon ay posible — salamat sa social media!

    Good luck saten sir!

    Like

    • oo nga po eh. sobrang laking pasalamat talaga sa social media kasi binibridge talaga nito yung mga long distance relationships. 🙂 kung dati magaalinlangan ka talaga na pasukin yung ganitong set-up kasi dali puro snail mail lang at sobrang mahal naman ng tawag sa phone ngayon sobrang dali nang makontak feeling mo andyan lang sya sa kabilang bahay or kabilang bayan 🙂 thanks sir, yup good luck saten 🙂

      Like

  2. Sana ma-realize rin ng mga nag aalinlangan sa ganitong set-up na nagiging posible rin ang lahat basta may oras at alam mismo ang pinapasok na relasyon, mahirap pero sobrang worth it, pero mas napapamahal ka sa taong pinag aalayana mu ng time, bawat minute mahalaga…salamat sa technology/social networking sites napapadali, napapamura at syempre nagagawang posible ang mga dating imposible…kaya let’s spread inspirations…spread lovvvvvveeeeeee:)

    Like

  3. hahaha, ang cute ng istorya ,sobrang naaliw ako. katuwa,may elementary pic pa talaga kayo pero after those years in unexpected situation at dahil kay FB ay may nabuo. Love ,love ,love your story, winner!

    Like

  4. Hay……ganda ng love story by details talaga…..kakakilig naman,for sure lalo mainlove si Bez sayo…..basta stay inlove para kasalan na paguwi nya….

    Like

  5. Wow how touch and so sweet naman masyadong makata…..100% I vote u for your habibi. I hope and pray your long distance relationship will last forever….. Thanks my brother for taking care of her….. I hope we meet each other by next year maybe I’ll be there by April….. Good Luck…

    Like

  6. hayyy… kinikilig ako   Thank you for everything, for all the laughs ,the conversations, those serious moments… for being so sweet..just everything.
    No words could ever describe how much you means to me but I know deep in my heart youre the person I’d really want to be with for the rest of my life. 
    We may not be able to take memorable pictures and spend everyday together but we are definitely in real love, I know we can’t even do all that now, but waiting to is worth all of this. 

    i miss you every second of every minute of every hour of every day of every week of every month 🙂  i love you habibi ❤ ❤ ❤

    Facebook was the key for us.,  thanks for the wonders technology has done for our relationship! 🙂

    Like

    • hehehe. ako naman ang na-speechless. yup facebook was our key and we will forever treasure that moment when I approved that friend request 🙂 love you too habibi, technology make wonders and I’m glad it worked for us 🙂 see you very very soon 🙂

      Like

  7. Pingback: PEBA Awards 2012: Blog Entry Finalists | Patnubay Online

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s