SBA 2012 : Ang katuparan ng layunin

SBA2012Isang napakagandang Sabado ang aking naranasan kamakailan. Nakakapagod man pero sulit na sulit naman talaga. Dalawang events ang aking pinuntahan ng araw na iyon (kulang pa nga eh kasi hindi na ako nakadaan sa Toycon) ngunit dahil sa maganda ang mga resulta ay hindi ko na ininda ang pagod. Tsaka excited naman talaga ako na puntahan ang mga events na yun, hindi lang para sa mga pinagdasal kong pagkilala ngunit dahil din sa muling pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan sa mundo ng blogging at syempre dahil sa mga libreng pagkain.

Pakatapos ng event sa Quezon City, dali-dali akong naghanap ng taxi na masasakyan (pa-socy pa, ayaw mag bus.hahahaha) papuntang Mandaluyong para naman sa Saranggola Blog Awards. Memorable sa akin ang SBA kasi ito ang kauna-unahang blog contest na sinalihan ko. Last year ko nakilala ang SBA at nagpapasalamat ako dahil narecognized naman yung entry ko last year. At dahil nga sa mga pagkilala na iyon nung isang taon, napagkatuwaan namin ng isang kaibigang blogger, ang napakatanyag at pinagpipitaganang si Otep Zablan na sasalihan namen ang lahat ng blog contest at hahakutin namen ang mga awards sa taong ito. Dahil walang PBA this year (wow ang taas ng pangarap hehe), PEBA at SBA lang ang nasalihan ko, at iniwan ako sa ere ni Otep, sa SBA lang sya sumali hahaha.

Dahil hindi masyadong matraffic ang EDSA mabilis din akong nakarating sa Mandaluyong. Pagbaba ko sa tricycle sa Tivoli Gardens na pag-aari ng DMCI Homes, andun ang isa pang kaibigang blogger, ang hindi kasing tanyag ni Otep na si Mar Castillo (hehehe). Pagpasok namin sa loob ng naligaw pa kami dahil hindi namin alam ang Irish Building. Buti na lang sinamahan kame ng isang empleyado nila. Pagdating sa rooftop andun na nga ang ibang bisita at isa-isang nagpapakilala. Syempre hindi kami nakaligtas, buti na lang nawalan agad ng signal yung mic, hindi na ako masyadong natanong ng Em-Cee. hehehe.

 61860_540390949307162_672779526_n

Bago inanounce ang mga nagkamit ng karangalan sa taon na ito, ay binuksan muna ang buffet para sa isang masarap na hapunan. Totoo nga na basta pagdating sa kainan walang kai-kaibigan. hahaha. Ayun si Otep nanguna sa pila gutom na gutom na yata. Matapos kumain ay sinimulan na ang programa. Nagsalita ang founder ng SBA na si sir Bernard Umali bilang panimula. Andun din ang may-ari (yata?) ng MobeeU na nagsalita at nagpakilala sa kanilang negosyo. Dahil sa MobeeU mas madali nang mavu-view ang site ng Saranggola sa mga mobile phones. Present din ang 2 bida ng Taragis.com na sina sir Joel at sir Bon.

12045_540389292640661_524192900_n

Pagdating na sa bigayan ng awards, ayun at alaskado ako dahil sa sunod na sunod pagtanggap ng plake. Syempre masaya kasi goal ko naman talaga na humakot ng awards, pero nakakailang din yung pagpunta sa harapan, kaso wala naman magagawa ginusto ko to eh hahaha. At ginawa ko naman talaga lahat para lang matupad ang goal na to. Kaya sobrang thankful ako s mga taong nakatulong ko sa para dito, lalong lalo na sa mahal kong girlfriend (yihiii) na nagmistulang campaign manager sa pagpapalike ng mga entries. At sa mga lalaking nanghingi pa ng virtual kiss sa kanya bago maglike, salamat sa pag-vote mga pre, humanda kayo saken pag nakita ko kayo (hahahaha biro lang).

603192_540392082640382_1575516678_n15573_540391882640402_1397842896_n10336_540392455973678_1923462490_n

Masayang-masaya ako nuong gabi na yun, hindi lamang dahil sa natupad ang layuning magkamit ng pagkilala mula sa pinakaunang blog awards at blog family na aking nakilala ngunit mas masaya ang muling makita ang mga kaibigan sa blogging at makilala ang mga dating nakakausap ko lang sa Facebook at comment box tulad nina Mangyan Blogger sir Richard Paglicawan, Semidoppel pareng JAM Mamaril at si MJ na may kasamang boypren na nanalong loveteam of the night (yihii). Yun naman talaga ang pinakamasayang bagay sa SBA eh, ang pagsasama-sama ng mga Ubloggers na hindi lamang mga kasama sa blogging world kundi mistulang isang pamilya na taon-taon nagre-reunion. At doon pa lang eh solve na ko, ang mga parangal at pagkilala ay bonus na lamang talaga. hehehe.

483428_540391182640472_1225821698_n 483583_540388679307389_104824194_n

Masaya ako na naging parte ng SBA at ng Ublog family. Malaki ang aking pasasalamat sa mga pagkilala na iginawad sa akin sa 2 magkasunod na taon at mas malaking pasasalamat dahil sa mga bagong kaibigan na aking natagpuan. Uulitin ko ulit ang aking sinabi sa isang blog post ko dati, “Kami po ay mga Bloggers, at hindi po kame mga Bloggers LANG”.

At narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa Saranggola Blog Awards 2012;

BlogGaling! para sa Kategoryang Maikling Kwento

Unang Karangalan
“Ang Mga Bintana ng kanilang MgaKaluluwa”
Erwin B. Aguila
Blog : Lipadlaya

Ikalawang Karangalan
“Mendiola”
Obi Erana
Blog: weblog ni ka bute

Ikatlong Karangalan
“Priceless”
Jade T. Tirol
Blog: Jeddpilyo’s

BlogGaling! para sa Kategoryang Tula

Unang Karangalan
“VXP713”
Lionel B. Soriano
Blog : Same Shit, Different Day

Ikalawang Karangalan
“Ang Paglalayag ng Balangay“
Erwin B. Aguila
Blog : Lipad Laya

Ikatlong Karangalan
“Byaheng Espesyal”
Eddie O. Oguing
Blog : Inverse Tutuldok

BlogGaling! para sa Kategoryang Kwentong Pambata

Unang Karangalan
“Ako at Ang Mga KwentongKontra-Biyahilo”
Alma V. Reynaldo
Blog : Mga Kwentong Likod

Ikalawang Karangalan
“Ang Paglalakbay ni Tatay”
Althea D. Cahayag
Blog : all because you kissed me goodnight

Ikatlong Karangalan
“IPad”
Ronnie C. Mia
Blog: NiteWriter

BlogGaling! para sa Kategoryang Blog / Sanaysay (Freestyle)

“Ako si Jero, Laking Sta. Mesa”
Jerome P. Lucas
Blog : Unsung Jero!

Ikalawang Karangalan
“Ako si Tolits, Laking Canhabagat”
Joselito V. Rosales
Blog : Hiram na Kaligayahan

Ikatlong Karangalan
“Ako si Obot, Laking Anus”
Erwin B. Aguila
Blog : Lipadlaya

BlogGaling! para sa kategoryang Larawan (Photoblog /Post Card)

Unang Karangalan
“Gabay”
Joselito V. Rosales
Blog : Litrato at Bahaghari

Unang Karangalan
“Laruang Katutubo”
Blaine Chrian L. Ordinario
Blog : Visions of a Color Blind Phorographer

Ikalawang Karangalan
“Ikot ng Buhay”
Farrah Celeste Larot
Blog: TabianMuch

Ikalawang Karangalan
“Maghahanap Ka Pa Ba? Tara,Lakbay na sa ‘Pinas!
Remegio De Dios Jr.
Blog : Lakwatserong Opis Worker

Ikatlong Karangalan
“Biyaheng Dagat”
Jacqueline M. Padit
Blog : Cameraloca

Blogsikat! Kategorya : Maikling Kwento

Unang Karangalan
Ang Langit sa Hucay
Poging Blogger

Ikalawang Karangalan
Biyaheng Langit
Bagotilyo

Ikatlong Karangalan
Pangarap, Buhay at Pag-ibig sa Isang Paglalakbay
Ang Aking Panulat

Blogsikat! Kategorya : Tula

Unang Karangalan
Viajero Nagrense
Opinyoneyted

Ikalawang Karangalan
Sobenir
Unsung Jero

Ikatlong Karangalan
Pag-ibig sa Dayuhang Lupa
NiteWriter

Blogsikat! Kategorya : Kwentong Pambata

Unang Karangalan
Basta Driver Sweet Lover
Unsung Jero

Ikalawang Karangalan
Si Toti, Ang Bespren ni Bosing
Jondmur

Ikatlong Karangalan
Ipad
NiteWriter

Blogsikat! Kategorya : Sanaysay

Unang Karangalan
Ako si Jero, Laking Sta. Mesa
Unsung Jero

Ikalawang Karangalan
Ako si CJ, Laking Davao!
Silaab Dabaw

Ikatlong Karangalan
Ako si Ron Mia, Laking Majayjay
NiteWriter

Blogsikat! Kategorya : Photoblog / Postcard

Unang Karangalan
Barya na Lang Din sa Gabi
Unsung Jero

Ikalawang Karangalan
Bughaw. Kayumanggi. Pilak. Ginintuang Puso.
Where the Almighty Dwells

Ikatlong Karangalan
Payong Kaibigan
Kuripsaw

*Salamat kay Axl para sa mga larawan

Advertisements

4 thoughts on “SBA 2012 : Ang katuparan ng layunin

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s