READ: Vice President Leni Robredo’s Philippine Independence Day 2017 Message [Full Text]

In celebration of the Philippines 119th Independence Day Anniversary, Vice President Leni Robredo highlighted the importance of continuing to fight for and uphold democracy. The Vice President who earlier led the Independence Day rites ceremony at the Luneta park also honored Filipino’s fight for democracy through time.

*photo from philstar.com

Here’s the complete Independence Day 2017 message of the Vice President of the Philippine, Leni Robredo

Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang ika-isang daan at labing-siyam na paggunita ng ating kalayaan. Taong 1898 nang maipanalo natin ang kalayaang ito matapos ang isang madugong rebolusyon laban sa mga dayuhang mananakop.

Kasabay ng unang pagbandila ng ating watawat sa Kawit, Cavite bilang simbulo ng ating kalayaan, minarapat ng ating mga bayani na bumuo rin ng isang konstitusyon at magtatag ng nang republika ng Pilipinas.

Ang konstitusyong ito ang naging gabay para mapangalagaan at mapagtibay ang ating kasarinlan.

Sa ating mahabang kasaysayan ilang besus sinubok agawin ang kalayaang ito ngunit nanatili tayong tapat sa ating Saligang Batas, hanggang sa dumating ang panahon kung saan binagong tuluyan ang konsitusyon at naging lehitimo ang pamumuno ng isang diktador.

Ngunit sa huli, nanaig pa rin ang mabuti. Ipinaglaban ng mga bagong bayani ang inaasam na kalayaan mula sa diktadurya. At muli, kasabay ng paglaya mula sa pagkakagapos, bumuo muli ng isang konstitusyong poprotekta at kakanlong sa ating kasarinlan at demokrasya.

Mahigit isang daang taon na ang lumipas mula nang unang iwinagayway ni Emilio Aguinaldo ang bandila. Patuloy ang ating panalangin na manatiling buhay sa puso ng bawat pilipino ang tunay na ibig sabihin ng maging malaya, na ang tagumpay na nagniningning sa ating watawat ay tagumpay ng bawat isa, at ang tanglaw ng pag-asa na sinisimbulo nito ay hindi kailanman magdidilim.

Bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, bilang lingkod bayan, mananatili tayong tapat at totoo sa konstitsyong ito upang hindi na maulit ang madilim na kabanata ng ating kasaysayan.

Kasama ng sambayanang Pilipino, gagawin natin ang lahat upang mapangalagaan ang demokrasya at maipaglaban ang kalayaang nakamit ng mga nauna sa atin.

Isang mapagpalayang Araw ng Kalayaan!


For the latest news, follow Nite Writer on Facebook at https://www.facebook.com/NiteWriterPH and follow me on Twitter @rojan88

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s